-- Advertisements --

Magsisimula na ngayong Biyernes ang konstruksyon ng bagong passenger terminal sa Siargao Airport, ayon yan sa Department of Transportation. Ang hakbang na ito ay dahil sa direktiba ng pamahalaan na paginhawain ang mga turista, local o foreign man, na gagamit ng naturang paliparan. Kinikilala rin kasi aniya ang Siargao bilang isang tourist destination kaya’t kailangan ito pagtuunan ng pansin.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, palalakihin ang terminal upang mapagaan ang siksikan at gawing mas komportable ang biyahe ng mga turista.

Mula sa kasalukuyang kapasidad na 200, kayang tumanggap ng hanggang 750 pasahero kada araw ang bagong terminal. Kasama ito sa Public-Private Partnership (PPP) proposal para sa modernisasyon ng mga paliparan sa bansa.