Isasailalim ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng oil tanker driver na umararo sa apat na sasakyan sa Mabini Bridge sa Pandacan, Manila sa isang preventive suspension sa loob ng 90 araw.
Sa inilabas na show cause order ng LTO, inatasan ang mayari ng oil tanker at ang driver nito na pumunta sa tanggapan ng LTO para magsumiote ng kanilang eksplenasyon kung bakit hindi dapat patawan ng preventive suspension ang driver nito.
Sa kabilang banda naman, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, responsibilidad ng driver ng oil tanker na siguruhing laging nasa maayos na kondisyon ang mga minamaneho nilang sasakyan.
Samantala, sa darating na Agosto 26 nakatakdang humarap ang mayari ng oil tanker at ang driver nito sa tanggapan ng LTO para sa pagpapaliwanag nito at ang pag-surrender ng lisensya ng driver.