Nagisyu ng higit sa 1,500 mga special bus permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ilang linggo bago ang selebrasyon ng Pasko.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez ang LTFRB ay naglabas na ng mga special permits simula Disyembre 15 hanggang Enero 16 para tiyakin na may sapat na bilang ng mga pampasaherong bus parqa sa mga biyaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Nagdagadag na rin aniya ng mga transport network vehicle service (TNVS) sa mga paliparan para sa mga darating na pasahero sa bansa maging ang mga aalis para makapagbakasyon.
Samantala, iniutos na rin ng DOTr na mabigyan na rin ng kaparusahan ang mga TNVS driver na magkakansela ng kanilang mga booked trips dahil sa matinding trapiko at malayuang mga destinasyon.
















