Nagpapatuloy ang tatlong araw na transport strike na inilunsad ng grupong Manibela bilang protesta laban sa umano’y sobrang penalties, hindi pag-renew ng franchise, at payola system sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Gayunman, hindi gaanong nakaapekto sa daloy ng transportasyon sa Metro Manila at iba pang lugar.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagpakalat sila ng mga tauhan sa mga pangunahing kalsada at terminal upang tiyakin ang kaayusan at magbigay ng tulong sa mga pasaherong posibleng ma-stranded.
Nakaantabay din ang mga mobility vehicles ng pamahalaan upang magsakay ng mga commuter kung kinakailangan.
Bagama’t iginiit ng Manibela na “paralisado” ang Metro Manila, nanatiling may biyahe ang maraming ruta dahil sa mga alternatibong sasakyan at maagap na koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan.
Marami ring pasahero ang nagplano nang maaga at gumamit ng ibang paraan ng transportasyon upang makapasok sa trabaho at paaralan.
















