-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government unit officials ang paghihigpit sa mga nagbebenta ng paputok.
Sinabi ng pangulo na ayaw niyang matanggalan ng negosyo ang mga nagbebenta at gumagawa ng paputok sa bansa.
Ang pinakaayaw lamang nito ay ang pagkakaroon ng mga biktima ng mga natatamaan ng paputok.
Pinag-aaralan pa rin nitong mabuti kung tuluyan ng ipagbabawal ang pagbebenta ng mga paputok sa bansa.