-- Advertisements --

Kinumpirma ng mga kinatawan nina Katy Perry at Orlando Bloom ang kanilang paghihiwalay matapos ang ilang buwang pagbabago sa kanilang relasyon upang magpokus sa co-parenting ng kanilang anak na si Daisy Dove Bloom.

Ayon sa inilabas na pahayag ng mga celebrity reps at iniulat ng People at USA Today, mananatiling magkasama sa publiko ang dalawa bilang magulang, at ang kanilang pangunahing layunin ay ang pagpapalaki ng anak na may pagmamahalan, katatagan, at respeto.

Maaalalang umugong ang tsismis ng breakup nang dalawa sa kasal ni Jeff Bezos at Lauren Sánchez, kung saan dumalo si Bloom nang mag-isa. Habang Si Perry naman ay abala sa kanyang world tour.

Nag-umpisa ang relasyon ng dalawa noong 2016, at naghiwalay noong 2017, pero muling nagkabalikan na nauwi sa engagement noong Valentine’s Day ng 2019. Si Daisy ang kaisa-isang anak ni Perry, habang si Bloom naman ay may anak na lalaki sa dating asawang si Miranda Kerr.

Samantala si Katy Perry, ay isang 13-time Grammy nominee, na kilala sa mga hit niyang ”Teenage Dream,” habang si Bloom ay tanyag sa kanyang papel bilang ”Legolas” sa The ”Lord of the Rings” at ”Will Turner” sa ”Pirates of the Caribbean.”