-- Advertisements --

Nagpahiwatig ang singer na si Katy Perry na mayroong namamagitan sa kanila ni dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Kasunod ito sa kumalat na mga larawan at video na nakitang naghahalikan ang dalawa sa isang yate.

Ang tila pagkumpirma ay isinagawa sa konsiyerto nito sa London kung saan isang lalakeng audience ang tila nagpropose sa kaniyang harapan subalit sinabi ng singer na dapat ay ginawa na niya ito noong dalawang araw pa.

Naging usap-usapan ang pakikipagmabutihan ng dalawa matapos ang paghihiwalay ng “Fireworks” singer sa dating nobyo na si Orlando Bloom noong Hulyo.

Matapos ang ilang buwan ay nakita sina Trudeau at Perry na magkasama na kumakain sa restaurant sa Canad ganun din ang pagdalo ng dating Canadian PM kasama ang dalagitang anak nito sa concert ng singer.