-- Advertisements --
Isinapubliko na ng singer na si Katy Perry at dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kanilang relasyon.
Ito ay matapos na makita ang dalawang maghakawak ang kamay noong sila ay mag-date sa Paris, France sa pagdiriwang ng 41 kaarawan ng singer.
Noong nakaraang pang buwan ng lumabas ang usapin sa relasyon ng dalawa matapos na makita silang magkasama.
Nakita pa silang magkayakap habang nasa isang yate sa karagatan ng California.
Makailang ulit na ring nakita ang dating Prime Minister na dumalo sa konsiyerto ng singer.















