Tuluyang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng vape o mga electronic cigarettes.

Duterte podium
Presidnet Duterte

Ayon sa pangulo na kaniyang ipapaaresto ang mga gumagamit nito sa publiko ganun din ang pag-aangkat ng nasabing mga vape.

Dagdag pa ng pangulo na isang uri ng lason ang nasabing vape kaya karapatan niya na protektahan ang kalusugan ng publiko.

Tiniyak din nito na ang sinumang lumabag ay maaaresto.

Ang nasabing hakbang ay matapos na magtala ang Department of Health (DOH) ng pagkakamatay ng isang babae matapos na gumamit ng e-cigarettes o vape a Central Visayas.