-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay ang panunumpa sa kanilang posisyon ang lahat ng mga napiling bagong opisyal nitong lungsod ng Butuan matapos manalo sa May 12 local elections kungsaan ang lahat ng nasa posisyon ngayon ay parehong mula sa partidong Team One Butuan.

Kasama na dito ang mga nanalong konsehal na kinabibilangan nina Atty Glenn Carampatana, Ferdinand Nalcot, Atty Rema Burdeos, Carlos Sanchez, Victor Plaza, Atty Dennis Bacala, Arturo Gado, Clint Dabalos, Dendo Udarbe, TG Salcedo at Marlon Labis.

Nanumpa din bilang kongresista ng lone district ng Butuan City si re-elected Congressman Jose ‘Joeboy’ Aquino II pati na sina Vice Mayor Rey Desiata at Mayor Atty Lawrence Lemuel Fortun.