Duterte and Romulo Puyat
President Rodrigo Duterte and DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na huwag matakot na bumiyahe sa iba’t ibang mga magagandang lugar sa bansa.

Ito ay sa gitna na rin ng banta ng Coronavirus Diseases o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Pangulo na ligtas pa rin ang bansa, kung ang pag-uusapan ay pangkapayapaan, peace and order at health.

Nauna rito inamin ng Department of Tourism na malaki ang lugi ng turismo sa bansa dahil sa banta ng coronavirus kung saan maraming mga hotel bookings ang kinansela dahil sa takot na rin ng mga turista na bumisita.

Magugunitang ibinunyag ng Department of Tourism na iikutin ng Pangulo ang iba’t ibang mga lugar sa bansa sa mga susunod na mga araw.