-- Advertisements --

Hinimok ni Cardinal Pablo Virgilio David ang kanyang kapwa mga obispo na manatiling matatag at tapat sa kanilang bokasyon sa kabila ng mga hamon ng pastoral na pamumuno.

Sa kanyang homiliya sa Tagbilaran Cathedral sa Bohol, inamin ni David ang bigat ng emosyonal at espiritwal na pasanin ng pagiging obispo—kabilang ang sigalot, pagtataksil, at pagkadismaya, maging sa loob ng kapatiran.

Hinikayat niya ang mga obispo na patuloy na ituon ang paningin kay kristo bilang lakas at gabay sa kanilang misyon.

Kapag dumarating aniya ang tukso na laging lumingon sa nakaraan, masdan natin si Kristo na kasama sa bangka.

Ipinaalala rin ni David na bahagi ng tunay na disipulo ang pagiging marupok at bukas.

Nawa’y manindigan ang bawat puso—takot man ngunit malaya—hindi tulad ng haliging asin, kundi buhay at nagtitiwala sa kanya na nagpapatahimik ng bagyo.

Sa pagtatapos, pinaalalahanan ni David ang mga Obispo na panatilihing si kristo ang sentro ng kanilang ministeryo at pamunuan sa pamamagitan ng halimbawa.