duterte speech 1
President Duterte

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin makapaniwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasaksihan nito sa away ng mga magkakapatid na Barretto.

Ayon kay Senator Bong Go, hindi niya akalain na magiging mabigat ang naging alitan ng magkakapatid na sina Marjorie, Gretchen at Claudine.

Pinayuhan pa niya ang magkakapatid na kung maaarin ay magbati na sila.

Magugunitang personal na nasaksihan ng pangulo ang away ng magkapatid ng nagtungo ito sa burol ng kanilang ama.