-- Advertisements --

Dudulog si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Korte Suprema para kwestiyunin ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na baliktarin ang naunang ruling na nagdi-diskwalipika kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro bilang congressional candidate para sa District 1 ng lungsod.

Ayon kay Pimentel, mayroon silang limang araw para maghain sa Supreme Court ng temporary restraining order (TRO). 

Aniya, ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang mga opisyal ng COMELEC na nagdesisyong baligtarin ang naunang ruling.

Giit ng senador, batid ng poll body na mayroon silang ginawang kakaiba sa disqualification case na niluto nila ng anim na buwan.

Kaya naman mahalaga aniyang maihain sa Korte legal at constitutional issue na ito at subukan kung gagana ang batas ng bansa.

Gayunpaman, kinondena ng minority leader ang desisyon ng Comelec at tinawag itong panghahamak sa Konstitusyon ng bansa.