-- Advertisements --

Handa ang legal defense team ni Vice President Sara Duterte sa anumang magiging resulta ng botohan sa plenaryo ng Kamara sa Articles of Impeachment sa araw ng Lunes.

Ayon kay Atty. Michael Poa, imo-monitor lamang nila ang botohan sa Kamara.

Gayundin, nagpahayag ng kahandaan ang depensa sakaling tuluyang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente.

Paliwanag ni Atty. Poa, binubuo ng 16 na abogado ang legal team ng bise presidente at kumpiyansa silang maipapakita ang matibay na depensa para kay VP Sara.

Dagdag pa ng abogado, walang nakikitang conflict ang kampo ni Duterte sa posibleng pagko-convene ng Senado bilang impeachment court dahil nasa kapasyahan umano ito ng Senado.
.
Ayon pa kay Poa, handa ring humarap si VP Sara kung kakailanganin siya sa impeachment court.