Duterte in Leyte 1
Duterte

Muling hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga kritiko na ituloy ang kanilang binabalak na impeachment sa kaniya.

Ito ay kasunod ng patuloy na batikos sa pagpapabaya ng pangulo sa mga Chinese fishermen na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sinabi nito na kung ipagpipilit pa rin ng mga kritiko na maglunsad ng giyera ang bansa sa China ay lubhang walang kalaban-laban tayo.

Sa naging panayam sa kaniya ni Pastor Apollo Quiboloy, ipinaggiitan ng pangulo na handa nitong harapin ang anumang kasong ihahain sa kaniya.