-- Advertisements --

Tinawag ni Public Works Secretary Vince Dizon na “medyo makapal ang mukha” ang pahayag ni contractor Pacifico “Curlee” Discaya, na umano’y nakaramdam na parang “nanakawan” siya matapos tanungin ng DOJ kung magkano ang maibabalik niya sa gobyerno.

Ginawa ni Discaya ang pahayag sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Dizon, dapat harapin ni Discaya at ng kanyang kampo ang mga kasong isinampa laban sa kanila at ibalik ang pera ng mga kababayan.

Sinabi rin ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon na kailangan munang patunayan nina Curlee at Sarah Discaya ang kredibilidad ng kanilang pahayag bago pag-usapan ang anumang restitution o inclusion sa Witness Protection Program. (report by Bombo Jai)