MRT disinfection kuno
-- Advertisements --
LRT trains covid disinfect

Mahigpit na binilinan ng Department of Transportation (DoTr) ang mga operators ng public transport vehicles na dapat maging maayos ang gagawing paglilinis at pag-disinfect sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni DoTr Secretary Arthur Tugade na responsibilidad na mga operators at drivers na makarating ng ligtas at walang anumang sakit ang mga pasahero nila.

Pinayuhan din nito ang mga publiko na agad na isumbong agad sa kanila ang mga nakikitang irigularidad sa mga pampublikong sasakyan.

Nauna rito humingi na ng paumanhin ang operator ng MRT-3 matapos ang viral video ng dalawang empleyado nila na tila naglalaro lamang sa paglilinis ng mga bagon ng MRT.

Sinabi ni MRT3 Director Mike Capati na kanilang inilipat sa puwesto ang dalawang empleyado na nakunan sa video.

-- Advertisement --

Maghahain umano ng administrative case ang maintenance contractor na Sumitomo Corporation sa dalawa.

Magugunitang umani ng batikos ang kumalat na video na ginagawang laro ang paglilinis sa loob ng MRT-3.