-- Advertisements --
Ikinatuwa ng ilan sa mga pasahero ng LRT-2 ang libreng sakay na hatid ng Light Rail Transit Authority ngayong araw.
Una nang inanunsyo ng kumpanya na tatagal hanggang bukas , Hunyo 26 ang libreng sakay na hatid nito.
Ang hakbang na ito tugon sa nangyaring technical glitch kaninang umaga sa linya ng LRT-2 na nagdulot ng limitadong operasyon ng byaheng Cubao hanggang Recto at vice versa.
Ayon kay LRTA administrator Atty. Hernando Cabrera, ipinag-utos mismo ni Transportation Secretary Vince Dizon na magbigay sila ng libreng sakay na tatagal ng dalawang araw.
Paliwanag ni Cabrera, nagkaroon kasi ng problema ang transformer no. 5 at no. 6 na nakatayo sa Santolan at Anonas.
Humingi naman ang opisyal ng paumanhin sa mga naapektuhang pasahero ng LRT-2.