Tumangging mag komento si Transportation Secretary Vince Dizon duon sa panawagan na amyendahan o suspindihin ang Value Added Tax (VAT) at Excise tax sa mga petroleum products.
Ayon kay Dizon ang nasabing usapin ay kaniya ng ipauubaya kung ano ang magiging pananaw ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ukol sa nasabing isyu.
Ang nasabing panawagan ay kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel kung saan nagbabadya ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Inihayag ni Dizon na kapag may nangyayari sa ibang bansa wala tayong kontrol dito.
Nilinaw naman ni Dizon na hindi siya malamig sa nasabing usapin.
Sa ngayon naka standby na ang DOTr para sa pamamahagi ng subsidy para sa mga PUV drivers, magsasaka at mangingisda.
Siniguro ni Dizon na nakalatag na rin ang kanilang sistema sa pamamahagi ng nasabing subsidiya.
Binigyang-diin ng kalihim na ang kanilang base line para ipamahagi na ang subsidya kapag nasa $80 per barrel na ang presyo ng langis sa world market.