-- Advertisements --
Muling tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na nakahanda silang sisirin sa Taal Lake ang mga missing sabungeros.
Ayon sa PCG, naka standby lamang ang kanilang hanay sa sandaling pormal na ipag-utos ng DOJ ang pagsasahap sa mga ito sa naturang lawa.
Una nang ibinunyag ni Alyas Totoy na itinapon sa Taal Lake ang mga katawan ng mga nawawalang sabungero.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab, nakahanda sila sa oras na ipatawag ng Justice Department .
Bukod dito ay naka standby na rin ang kanilang mga remote controlled vehicle.
Aminado rin ang opisyal na malaking hamon ito para sa kanila lalo’t madilim at malabo na ang tubig dahil sa mga debris sa ilalim ng lawa.