Mahigpit na nakikipag-ugnayan na ang Department of Transportation sa mga otoridad matapos na madiskubre ang pagbebenta ng mga pekeng plane tickets sa mga locally stranded individuals (LSI).

Nadiskubre ang nasabing modus matapos na may ilang LSI ang hindi tinanggap ang kanilang plane ticket dahil ito ay peke.

Ayon sa DOTR na nakausap na nila ang ilang mga nabiktima ng nasabing bentahan ng tickets.

Patuloy kasi ang ginagawang pag-assisst ng DOTr sa mga Locally Stranded Individuals matapos na maipit dahil sa ipinatupad na lockdown.