-- Advertisements --

Inihahanda na ng Department of Transportation (DOTr) ang P2.5 billion pondo para sa fuel subsidy sa mga driver at operator ng pampasaherong sasakyan kabilang ang mga unconsolidated Public Utility Vehicles (PUVs).

Ayon sa DOTr, katuwang nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of the Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology, at Landbank para tiyaking mabilis at maayos ang pamamahagi ng ayuda.

Bago mapatupad, kailangan munang makakuha ng sertipikasyon mula sa Department of Energy ang ahensya na ang presyo ng Dubai crude oil ay lagpas sa $80 ang kada barells ng langis sa loob ng isang buwan—bagay na hindi pa natutupad, dahil nasa $75.16 pa lang ito sa ngayon.

Samantala, nananawagan naman si Senador Raffy Tulfo sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na dagdagan din ang subsidiya sa mga mangingisdang gumagamit ng motorized boats.

Tinatayang nasa 200,000 fisherfolk ang makikinabang sa programang ito.