Nakatakdang bumili ang Department of Transportation (DoTr) ng 2,000 na upuan na ilalagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito mismo ang ipinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade matapos na personal nitong bisitahin ang mga locally stranded individuals (LSI).

Inisyal lamang aniya ang 2,000 na upuan at ito ay posibleng madagdagan sa mga susunod na buwan.

Magugunitang tinawagan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Tugade na gumawa ng paraan na maglagay ng mga upuan para may magamit ang mga LSI na na naghihintay ng kanilang mga masasakyan pauwi sa kanilang probinsiya.