-- Advertisements --

Naglabas ng kautusan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa agarang pag-tanggal ng lahat ng billbord at outdoor ads na may kinalaman sa sugal, bilang bahagi ng hakbang para protektahan ang mga kabataan at iba pang sektor laban sa adiksyon sa sugal.

Binigyan ng 15 days na palugit ang mga lisensyadong gambling operators, at suppliers, upang alisin ang mga ad sa tren, bus, jeep, taxi, at iba pang pampublikong lugar.

Dapat din aniyang magsumite ng inventory ng mga ad, kabilang ang sukat, materyales, lokasyon, petsa ng expiration ng kontrata, at permit mula sa Ad Standards Council (ASC).

Nagbabala din ang PAGCOR sa mga stakeholders laban sa mga maglalagay ng bagong gambling ads at iginiit na may kaukulang parusa ito para sa mga lalabag.