Nanindigan si Senate President Vicente Sotto III na hindi mapapatahimik ang Senado sa pagkondena ng Chinese Embassy sa ipinasang resolution na tumutuligsa sa mga opisyal ng kapulungan na nagtatanggol sa soberaniya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ginawa ito ng liderato ng Senado matapos palagan ng Chinese Embassy ang Senate Resolution 256 at tinawag bilang political stunt.
Binatikos din ng Senador ang pahayag ni Chinese Embassy in the Philippines spokesperson Ji Linpeng na sila ang nag-iintimidate sa Chinese diplomats gayong ang Chinese envoy ang hindi aniya rumerespeto at tinawag na isang political stunt ang naturang resolution.
Giit pa ng Senador na kakaunti lamang ang nalalaman ng Chinese diplomat kung paano gumagana ang diplomasiya.
Nagbabala rin ang Chinese Embassy spokesman na may kabayaran ang umano’y hypocrisy, ignorance at recklessness ng mga mambabatas.
Samantala, nitong Martes, Pebrero 11, idineklara ng China na persona non-grata ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Kalayaan, Palawan kabilang ang Alklade, Bise Alkalde hanggang sa mga Konsehal matapos unang ideklarang persona non grata sa munisipalidad ang mga opisyal ng Chinese Embassy.
















