-- Advertisements --

Umangat ang ranking sa Women’s Tennis Association (WTA) ni Wimbledon 2025 champion Iga Swiatek.

Sa inilabas na ranking ng WTA ay nasa number 3 na si Swiatek mula sa dating number 12.

Habang ang kaniyang nakalaban at tinalo sa finals ng Wimbledon na si Amanda Anisimova ay nasa number 7.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa top 10 ang American tennis player na si Anisimova dahil nasa ranked 189 ito bago makapasok sa finals ng Wimbledon.

Naging malaking susi para kay Anisimova ang pag-angat niya ng ranking matapos na talunin sa semifinals ng Wimbledon si world number 1 Aryna Sabalenka.

Nasa unang puwesto naman si Sabalenka habang pangalawa naman si Coco Gauff at pang-apat si Jessica Pegula.