BIKES2LD
-- Advertisements --

Isasagawa ngayong araw ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkilala sa mga Local Government unit na may matagumpay na paggamit ng kanilang bike lane.

Kabilang sa mga finalist ang Quezon City, Taguig City, Pasig City, Mandaue City at Iloilo City.

Isasabay ng DOTr ang pagbibigay award ngayong National Bike Day.

Nakatakda ring hilingin ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa Google na isama ang bike lane routes sa kanilang mapa.

Aabot kasi sa 500 kilometer na bike lane netor sa metropolitan cities sa buong bansa ang nakumpleto na ng DOTr kung saan dito lamang sa Metro Manila ay mayroong 313.12 kilometers habang sa Cebu ay mayroong 129.47 kilometers at Metro Davao naman ay mayroong halos 55 kilometers ang haba.

-- Advertisement --