Pinawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangamba ng mga bagong graduate na mahihirapan silang makahanap ng trabaho.

Sinabi ni Bureau of Local Employment director Dominique Tutay, na maraming mga kumpanya pa rin ang tumatanggap ng walang experience lalo na kung ito ay enty-level positions lamang.

Base sa talaan, na nanguna ang staff nurse, call center agent at accounting staff sa pangunahing posisyon na hindi na kailangan ng work experience.

Ayon naman sa Philippine Business for Education (PBED) na mayroong 7,000 trabaho silang inilaan para sa mga Senior Highschool graduate sa mga pribadong sektor.