Pormal ng nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang bagong kalihim ng DFA si Secretary Ma Theresa Lazaro.
Mismong si Pangulong Marcos ang nanguna sa oath taking na ginanap kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Si Lazaro ang pumalit sa pwesto ni dating foreign affairs secretary Enrique Manalo.
Ginawaran din si Lazaro ng Order of Sikatuna ni Pangulong Marcos dahil sa kaniyang katangi tangi at dedikasyon sa serbisyo publiko sa loob ng apat na dekadang exemplary leadership partikular sa bilateral at multilateral diplomacy.
Partikular ng magsilbi siyang ambassador sa France at Switzerland at maging ang kaniyang ibat ibang assignments sa Europe, America at sa Asia-pacific.
Kinilala ang naging ambag ni Lazaro sa interest ng Pilipinas critical foreign policy issues, kabilang ang maritime security,Regional peace and stability, at multilateral cooperation.