-- Advertisements --
Pinawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangamba ng mga manggagawa na wala ng umanong pag-asa na tumaas ang kanilang mga sahod.
Kasunod ito sa bigong ratipikahan ng mga kongreso agn legislated wage hike.
Sinabi ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, na tuloy-tuloy ang ginagawang pag-aaral ng mga regional wage boards ng mga petisyon ng taas sahod.
Dagdag pa nito na sa National Capital Region ay umarangkada ang pag-aaral sa nasabig petisyon.
Sa katunayan aniya ay may mga ipapatupad sa susunod na mga buwan ng taas sahod sa ibang mga rehiyon.
Magugunitang matapos maipsa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang P200 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners ay hindi ito naratipikahan sa senado.