-- Advertisements --

Nakatakdang kunin ang mga benepesaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) para magmando sa mga Kadiwa Centers sa buong bansa.

Kasunod ito sa pagpapalawig ng pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa Centers ng hanggang 2026.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mayroong na silang ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung paano ang paglalagay ng mga tao sa bawat KADIWA center.

Nagsagawa na rin sila ng pirmahan ng Memorandum of Agreement ukol sa nasabing usapin.

Ayon naman kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma na kanilang kinukuwenta pa ang bilang ng mga TUPAD Workers na maaring ilagay nila sa mga KADIWA Centers.

Hanggang sa mga susunod na taon mayroon mga mas maraming KADIWA centers dahil sa target nila ang makapagbenta ng P20 na bigas sa 15 milyong kabahayaan.