Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga may-ari ng restaurant and hotel owners na mahigpit na sundin ang bagong batas na Republic Act 1136.

Layon ng batas na ilaan ang 100% na mga nakokolektang service charge sa mga empleyado.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kapag hindi sinunod o ipinatupad ito ay maaari silang masampahan ng kaukulang kaso.

Sa pinirmahang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat ibigay ang lahat ng nakolektang service charge sa mga empleyado o mga frontline staff.

Kung dati aniya ay 85% lamang ang paghahatian ng mga empleyado at ang 15% ay mapupunta sa management ngayon ay hindi na.