cropped DOLE Sec. Silvestre Bello 3
-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at ang labor minister ng Saudi Arabia.

Tatalakayin ng dalawang mga opisyal ang reklamo ng nasa 9,000 na mga overseas Filipino workers (OFW) na hindi pa nakatanggap ng kanilang mga sahod at benepisyo mula sa kanilang mga employers.

Kasama ni Bello ang ilang opisyal ng DOLE sa Dubai kung saan doon isasagawa ang pagpupulong nila ng labor minister ng Saudi Arabia.

Sakaling walang malinaw na patutunguhan ang pagpupulong ay hihilingin mismo ni Bello kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng OFW deplolyment ban sa Saudi Arabia.