-- Advertisements --

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang White Alert bilang paghahanda sa pag-landfall ng bagyong Opong.

Sa ilalim kasii ng white alert, ang DOH Operations Center ay naghahanda ng mga gamot, kagamitang medical at mga health emergency response teams sa mga rehiyon na maapektuhan ng bagyo.

Iminungkahi ng DOH na anumang mga emergency ay maaring itawag sa nationwide 911 emergency hotlines.

Magugunitang sinabi ng PAGASA na maaring mag-landfall sa Bicol Region ang bagyong Opong sa araw ng Biyernes, Setyembre 26.