Umaasa si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez na maipasa na ng mga senador ang pagtataas ng sin tax.

Ito ay matapos na magpupulong ang mga senador sa susunod na linggo para pag-usapan ang karagadagang sin tax law.

Mahalaga aniya ang pagdagdag sa sin tax law para magkaroon ng karagdagang pondo sa bagong pirmang Universal Health Care Law.

Ayon naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang nasabing panukalang batas ay kanilang tatalakayin sa Lunes kung san tiniyak sa kaniya ng kapwa niya na kanila itong susuportahan.

Ilan sa mga naunang pumirma na ay sina Senator Sonny Angara, JV Ejercito, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Panfilo Lacson.
Kailangang makakuha ng 10 pirma ang draft reort bago ito maisumite sa plenaryo.