-- Advertisements --

Inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Finance (DOF) ang isang nationwide financial literacy campaign para tulungan ang OFWs na mas mahusay na pamahalaan ang kanilang kita.

Pinangunahan nina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at DOF Secretary Ralph Recto ang pirmahan ng kasunduan nitong Martes bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na palakasin ang suporta sa mga OFW.

Ayon kay Cacdac, mahalagang matutunan ng OFWs kung paano pangalagaan ang kanilang kinikita, habang binigyang-diin naman ni Recto ang epekto ng exchange rates at global trends sa halaga ng remittances.

Simula Nobyembre, magpapadala ng financial literacy teams sa mga OFW hubs sa Middle East para sa international rollout ng kampanya.