-- Advertisements --

Welcome sa pamunuan ng Department of Trade and Industry ang naitalang pagbaba sa inflation rate sa bansa nitong buwan lamang ng Mayo.

Batay sa datos, aabot sa 1.3 percent ang naitalang pagbaba na maituturing na pinakamababa sa loob ng limang taon sa inflation rate ng Pilipinas.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, nagpapakita lamang aniya ang datos na ito ng pagkakaroon ng economic standing ng bansa.

Aniya, kasama ito sa layunin ng Marcos Administration na mapababa ang mga pangunahing bilihin at pangangailangan ng mga Pilipino.

Kaugnay nito ay muling tiniyak ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang mga isinasagawang approach upang makakalap ng maraming pamumuhunan sa bansa.

Patuloy rin ang kanilang pagbibigay ng mga magagandang programa sa lahat ng mga micro small and medium enterprises sa buong bansa.