Kinukumpirma na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang napaulat na pagkawala at pagkasugat ng ilang Filipino seafarers matapos ang pag-atake ng mga Houthi rebels sa Yemen.
Ang Greek-operated bulk carrier na Eternity C ay mayroong 22 crew members na lulan na kinabibilangang n 21 Pinoy at isang Russia.
Base sa nakuhang impormasyon ng DMW na may dalawang crew members ang nawawala at dalawa naman ang sugatan.
Ang nasabing barko ay inatake sa pamamagitan ng sea drones malapit sa pantalan ng Hodeidah sa Yemen.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na nakikipag-ugnayan na sila sa manning agency ng mga Filipino seafarers.
Inamin din ng kalihim na hirap ang shipowner na makipag-coordinate sa kanila kaya humingi na lamang sila ng tulong sa mga international organizations gaya ng International Transport Wokers’ Federation at ang Seafarers Internatioanl Union.