-- Advertisements --
Magtutungo sa Abu Dhabi si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac para personal na tignan ang kaso ng pagkasawi ng isang overseas Filipino worker (OFW) doon.
Nitong Disyembre 31 kasi ay iniulat na natagpuang patay sa loob ng kaniyang kuwarto ang 44-anyos na si Mary Jil Muya.
Dagdag pa ng Kalihim na hinihintay pa nila ang opsiyal na paglabas ng forensic report sa insidente.
Si Muya ay native ng Jaro, Iloilo City kung saan dalawang dekada na itong OFW sa Abu Dhabi.
Una ng sinabi ni Philippine ambassador to the UAE Alfonso Ver na kanilang pababalikin sa bansa ang bangkay ng OFW kapag nakumpleto na ang kaukulang dokumento.
















