-- Advertisements --

Nakarating na sa Pilipinas ang mga labi ni Maryan Pascual Esteban, isang OFW mula Cainta, Rizal, na nasawi sa sunog sa Tai Po District, Hong Kong noong Nobyembre.

Sinalubong ito ni OWWA Administrator PY Caunan at Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac upang tiyakin ang agarang tulong sa pamilya ni Esteban.

‘Nakauwi na ngayong gabi sa bansa ang labi ni OFW Maryan Esteban, ang Pilipinang domestic worker na nasawi sa sunog na naganap sa Wang Fuk Court, Tai Po, Hong Kong noong Nobyembre,’ ayon sa post ng OWWA sa kanilang social media.

Nakikiramay naman ang ahensya at ang buong bansa sa pamilya ng OFW. Samantala, nakauwi na rin si Rhodora Alcaraz, OFW na nagligtas ng tatlong buwang sanggol sa parehong insidente, noong Disyembre 16.