Sinuspinde ng Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ng isang shelter sa Taiwan habang iniimbestigahan kung may mga pasilidad na hindi ginagamit ngunit patuloy na tumatanggap ng pondo.
Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia sa isang pulong balitaan noong Lunes, Enero 12, isinara na ang isang shelter sa Taiwan dahil sa hindi na ito operational, kung kaya’t inilaan narin ang ilang pondo sa ibang aktibong shelter sa Taiwan.
Lumabas kasi sa mga ulat na may mga “ghost shelters,” kabilang ang nasa Taipei na may nakalaang budget na humigit-kumulang P5 million.
Sinabi pa ni Olalia na regular na sinusuri ng DMW ang lahat ng shelters sa buong mundo upang masiguro ang epektibong paggamit ng pondo at resources nito.
Binanggit din niya na inuuna ng ahensya ang pagpapabuti ng mga shelter sa mga lugar na may malaking populasyon ng mga Pilipino, tulad ng Middle East.
















