Mahigit 350,000 na mga Overseas Filipino Workers ang tumanggap ng OFW E-Cards noong nakalipas na taon sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Association’s (OWWA) Alagang OWWA Programs .
Ang naturang card ay patunay na bahagi at aktibong miyembro ang isang OFW sa naturang ahensya.
Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang access ng OFW sa mga programa at serbisyo ng ahensya tulad ng repatriation, reintegration, training, at iba pang mga benepisyo .
Ang naturang card ay nagkakahalaga lamang ng $25 at tatagal ng dalawang taon.
Bukod dito ay nakapagsagawa ang OWWA ng Alagang OWWA Caravan sa mahigit 20 posts sa buong mundo kung saan naabot nito ang nasa 72,000 OFWs.
Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya ng patuloy na pagpapalawak ng mga programa at serbisyo sa lahat ng mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa. (report by Bombo Jai)
















