Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic.

Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya.

Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic.

Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero.

Magugunitang taong 2013 at 2015 ng tanghaling kampeon sa Monte Carlo si Djokovic.

Susunod na makakaharap ng ranked 33 na si Evans si ranked 11 David Goffin.