-- Advertisements --

Nagpulong ang mga lider ng Senado at si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. para talakayin ang foreign policy ng bansa, hinggil sa sari-saring usapin.

Ang DFA-Senate meeting ay nangyari isang araw matapos ang banta ng European Parliament na iri-revoke ang tariff incentives para sa Pilipinas dahil sa isyu umano ng mga paglabag sa karapatang pantao at umano’y pagsikil sa press freedom.

Naging executive session umano ang pag-uusap at ginawa iyon sa pamamagitan ng private online meeting.

Ayon kay Senate committee on foreign relations chairman Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, tumagal lamang ang pulong ng tatlong oras.

Pero hindi na nito idinetalye ang naging takbo ng pag-uusap at kung ano pang susunod na mangyayari.