-- Advertisements --

Iginiit ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson na kailangan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng “Bastonero” para matiyak ang good governance. 

Ayon kay Lacson, bagama’t may sapat na panahon si Pangulong Marcos para gawin ang nararapat na adjustment para masiguro ang epektibong pamamaraan ng pamumuno sa huling tatlong taon ng kanyang termino, kakailanganin niya ang “bastonero” para tiyaking susunod sa kanya ang mga opisyal ng pamahalaan.

Aniya, maganda ang intensyon ng Pangulo na isantabi ang pulitika at maging bukas sa pagkakasundo sa pamilyang Duterte, ngunit maaaring ma-interpret ito ng ilan na “kahinaan.”

“Di pwedeng bastonerong abusado. Kailangan strong but well-intentioned,” dagdag niya.

Dahil dito, maaari aniyang kailanganin ng pangulo ng isang matatag ngunit may mabuting layunin na ‘bastonero’ sa kanyang Gabinete—isang taong may kakayahang disiplinahin at ituwid ang mga opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang mga miyembro ng Kongreso, upang masigurong sumusunod sila sa landas ng mabuting pamamahala.