Umapela si Department of Education Secretary Sonny Angara sa mga bagong halal na opisyal ng gobyerno na bigyan ng focus ang sektor ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Angara, ang education sector ang isa sa mga mahahalagang sektor na kailangan ng sapat na pansin at pondo para sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito ay pinasalamatan naman ng kalihim ang mga Pilipinong lumahok sa halalan ngayong taon.
Sa datos na inilabas ng COMELEC at PPCRV, pumalo sa higit 80% ang voter’s turnout katumbas ng nasa 68 milyong rehistradong botante sa bansa ang lumahok sa katatapos pa lamang na eleksyon.
Nagpapakita lamang aniya ito ng pagbibigay ng priority ng mga Pilipino sa demokrasya.
Nanawagan rin ang kalihim sa mga bagong halal na maging tapat sa serbisyo at tuparin ang mga pangakong binitawan nito sa mga botante noong panahon ng halalan.