Pinangunahan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang assessment at inspection sa ilang mga binahang silid-aralan sa dito sa Metro Manila.
Kabilang sa mga tinungo ng kalihim ay ang Guillermo Sanchez Memorial School at Tinajeros Elementary School sa Malabon City at Tanza Elementary School at Tanza High School sa Navotas City, apat sa mga pangunahing eskwelahan na pinasok ng tubig-baha.
Sinusuri ng inspecting team ang lawak ng pinsala sa mga silid aralan atbpang pasilidad at mga kagamitan sa pagtuturo.
Batay sa situation report na inilabas ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service, umabot na sa 24,648 eskwelahan ang nagsuspinde ng in-person classes dahil sa masungit na panahon.
Sa inisyal na datus, umabot na sa 1,794 classrooms ang natukoy na nagtamo ng minor damage habang 540 na ang nagkaroon ng major damage. Kabuuang 531 silid-aralan ang natukoy din bilang totally damaged o tuluyang nawasak.
Maliban sa mga silid-aralan, umabot na rin sa 208 hygiene facilities ang nasira.
Sa kabila nto, tiniyak ng DepEd na magpapatuloy pa rin ang paghahatid nito ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral, habang tinututukan din ang kapakanan at kaligtasan ng mga kaguruan.