-- Advertisements --
Tahimik pa rin si Vice President Sara Duterte sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na handa itong makipag-ayos sa mga Duterte.
Ayon sa kampo nito na hinihintay pa nila ng opisyal na reaksyon na ito ng bise presidente.
Una ng sinabi ni Pangulong Marcos na handa itong makipag-ayos sa mga Duterte dahil ayaw niya ng mga kaaway.
Magugunitang iginigiit pa rin ng kampo ng Bise President na ipinahuli ng Marcos Administration si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.