Pinasungalingan ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanyang pakikipag kita kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lacson, bilang isang potensyal na senador-judge sa impeachment trial laban kay VP Duterte, hindi angkop na makipagkita sa kanya habang isinasaalang-alang pa ang kaso sa Senado.
Iginiit ni Lacson na wala siyang problema sa pakikisalamuha kay Duterte sa normal na pagkakataon, ngunit binigyang-diin niyang mahalaga ang pananaw ng publiko sa kanyang mga aksyon.
Samantala tinalakay din ni Lacson ang kanyang opinyon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya’y nangangailangan ng matibay na lider upang disiplinahin ang mga opisyal ng gobyerno.
Suportado naman ng mga senador na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada ang panawagan ng Pangulo para sa pagkakaisa at reconciliation, subalit hindi sila pabor sa impeachment ni VP Sara Duterte.